Rice Tariffication Law hindi pinakikinabangan ng mga magsasaka
Hindi totoong pinakikinabangan ng mga magsasagawa ang Rice Tariffication Law.
Taliwas sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) na “biggest winner” ang mga magsasagawa sa nasabing batas, sinabi ni Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat na ang traders at importers ang totoong labis na nakikinabang sa RTL.
Sinabi ni Cabatbat na hindi nabibigyang pansin ang interest ng mga magsasaka na nasa front line ng agriculture industry lalo na sa industriya ng bigas.
Naniniwala din ang mambabatas na hindi gaanong pansin ng publiko ang pagbaba sa presyo ng bigas.
Noong 2019, P42.50 pa rin ang bentahan sa mercado ng kada kilo ng bigas at humigit-kumulang P19.50 dito ay kita ng mga importers at traders.
Kung susumahin ang 3 million metric tons ng imported na bigas sa Pilipinas, lampas 58 bilyong-piso ang pinaghati-hatian ng importers at traders.
Habang wala namang halos na kinikita na ang mga magsasaka.
Apela ng mambabatas sa DA huwag namang hayaan na iilan lamang ang makinabang sa Rice Tariffication Law at bigyan ng hustisya ang mga magsasaka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.