Iba pang opisyal ng pamahalaan sumailalim sa self-quarantine

By Dona Dominguez-Cargullo March 12, 2020 - 11:11 AM

PHOTO GRAB FROM PCOO’S FACEBOOK LIVE VIDEO

Mas marami pang miyembro ng gabinete ang sumailalim sa homeself-quarantine.

Sa pahayag ng DepEd, sumailalim seld-quarantine si Education Sec. Leonor Briones dahil mayroon siyang dinaluhang dalawang pulong kung saan dumalo din ang isang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Ang pulong ay naganap noong Feb. 28 sa central office ng DepEd sa Pasig at noong March 5 sa ginawang pagdinig naman sa senado.

Sa ngayon wala namang sintomas na nakikita kay Briones at iba pang opisyal ng DepEd.

Si Public Works and Highways Sec. Mark Villar ay sasailalim din sa self-quarantine.

Mayroon din kasing nakasalamuha si Villar na nagpositibo sa COVID-19.

Samantala, si Navotas City Mayor Toby Tiangco ay nagsailalim na rin sa self-quarantine.

Sinabi ni Tiangco na dumalo siya sa event na dinaluhan din ng mga opisyal ng pamahalaan na nagself-quarantine na.

 

 

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, deped, Health, Inquirer News, leonor briones, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, self quarantine, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, deped, Health, Inquirer News, leonor briones, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, self quarantine, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.