Inarestong Indian nationals nanlaban sa mga ahente ng BI gamit ang machete

Inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang 30 undocumented na Indian national sa operasyon sa CAapitol Estate sa Diliman, Quezon City.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nang isisilbi na ang mission order ay inatake pa ng mga tauhan ang ilang ahente ng BI gamit ang machete.

Sa simula ayon kay Morente ay tumangging magpa-aresto ang mga dayuhan at hinabol ang mga umaaresto sa kanila.

Sinabi ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., wala namang nasaktan sa kanilang mga ahente at naaresto din kalaunan ang mga dayuhan.

Nakumpiska din ang mga ginamit nilang machete.

Isasailaim sa deportation proceedings ang mga nadakip na Indian.

Read more...