MORE Power natatanging distribution utility sa Iloilo City na mayroong prangkisa – ERC
Nilinaw ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ang More Electric and Power Corp. ang nag-iisang Distribution Utility sa Iloilo City na may legislative franchise at Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) para mag-supply ng kuryente sa lungsod.
Paliwanag ni ERC Chairman Agnes Devanadera kahit pa man may usaping legal sa pagitan ng Panay Electric Company at More Power gaya ng expropriation case na nakabinbin sa Iloilo Regional Trial Court ay wala itong epekto sa operasyon ng distribution utility.
Ang power distribution issue kasi ay saklaw aniya ng ERC salig narin sa itinatakda ng EPIRA law.
Giit pa ni Devandera dapat maging malinaw sa magkabilang partido na ang more power ang kanilang kinikilala bilang lehitimong distribution utility sa iloilo city.
Ginawa ng ERC ang paglilinaw para narin umano maiwasan ang kalituhan lalo na sa hanay ng mga power consumer.
Samantala nilinaw din ni Devanadera na walang nilalabag ang More Power nang magoperate ito kahit na wala pang Certificate of Exemption mula sa Department of Energy.
Ang sitwasyon kasi aniya ng More Power ay maituturing na emergency dahil ang kanilang kinokonsidera dito ay ang matiyak na tuloy tuloy ang serbisyo ng pagbibigay ng supply ng kuryente sa mga residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.