BSP Governor Diokno, BCDA CEO Dizon kapwa sasailalim din sa self-quarantine

Sasailalim din sa self-quarantine si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno.

Ayon kay Diokno nakasalamuha kasi niya si Finance Sec. Carlos Dominguez na nagkaroon naman ng close contact sa isang pasyenteng positibo sa COVID-19.

Sinabi ni Diokno na mas mabuting magpasailalim siya sa quarantine.

Tiniyak naman ni Diokno na siya ay nasa maayos na kondisyon.

Si Presidential adviser for flagship programs and projects Secretary Vivencio “Vince” Dizon ay sumailalim na rin self-quarantine.

Sina Domiguez at DOTr Sec. Arthur Tugade ay nagsabi na kagabi na sasailalim sila sa quarantine.

Read more...