Dating partner ni Floyd Mayweather na si Josie Harris natagpuang patay

Facebook Photo

Natagpuang walang buhay sa kaniyang bahay sa California ang dating partner ni Floyd Mayweather na si Josie Harris.

Si Mayweather at ang 40 anyos na si Harris ay mayroong tatlong anak.

Ayon sa ulat ng TMZ, nakita si Harris alas 9:00 ng gabi ng Lunes (March 9) na wala nang buhay sa loob ng kaniyang bahay.

Sa ngayon hindi pa itinuturing na mayroong foul play sa pagkamatay ni Harris.

 

 

Read more...