outbrain

4 na Chinese, 2 Pinoy arestado sa pambubugbog sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo March 12, 2020 - 07:39 AM

Apat na Chinese nationals at dalawang kasama nilang Pinoy ang dinakip ng mga otoridad sa Makati City.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, Makati City police chief ang mga suspek ay inireklamo ng pambubugbog sa bahagi ng Victor Street kanto ng Roosevelt Street sa Barangay Pio Del Pilar.

Kinilala ang mga nadakip na sina La Jiao, 25 anyos; Yang Yang, 26; Ji Mu, 29, Wen Lin, 24 at kasama nilang Pinoy na sina alyas Jay, 34 at Arnil, 28 anyos.

Dumulog sa pulisya ang mga reisdente sa lugar dahil nakita nila na isang Chinese na lalaki ang binubugbog ng mga suspek at pilit na isinasakay sa van.

Sa isinagawang imbestigasyon, lumitaw na ang biktimang dayuhan ay mayroong pagkakautang sa isa sa mga suspek.

Mahaharap sa kasong physical injury at kidnapping ang mga nadakip na suspek.

TAGS: chinese, filipino, Inquirer News, Makati, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, physical injuries, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, chinese, filipino, Inquirer News, Makati, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, physical injuries, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.