Tatlo pang Pinoy nagpositibo sa COVID-19 sa Singapore
Mayroong tatlong Filipino ang nagpositibo sa COVID-19 sa Singapore.
Ayon sa inilabas na datos ng Ministry of Health ng Singapore, ang pang 167, 172 at 178 COVID-19 cases nila ay pawang Filipino Citizens.
Ang “Case 178” sa Singapore ay isang 37 anyos na Pinoy na Singapore Work Pass Holder.
Umuwi ito ng Pilipinas sa pagitan ng February 11 at February 19 at February 23 at March 2. Noong March 11 nakumpirmang positibo ito sa COVID-19 at nagpapagaling ngayon sa Ng Teng Gong General Hospital.
Ang “Case 167” naman ng Singapore ay 35 anyos na Pinay at kamag-anak ng “Case 178”.
Nagtatrabaho siya bilang nurse sa Singapore at nagbakasyon ng Pilipinas noong February 11 hanggang 17.
March 8 nang makitaan siya ng sintomas at nagpositibo sa COVID-19 noong March 10.
Ang “Case 172” naman ay isang 42 anyos na Pinay na nagtatrabaho din sa Singapore. Umuwi siya sa Pilipinas noong February 27 hanggang March 2.
At pagbalik ng Singapore ay nakumpirmang siya ay infected ng COVID-19 noong March 11.
Ang Singapore ay mayroong 178 na kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.