Manila Mayor Isko Moreno sasailalim sa self-quarantine matapos ang biyahe sa UK

Sasailalim sa self-quarantine si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos ang kaniyang official business trip sa United Kingdom.

Kahapon, nagpasuri na si Moreno sa mga opisyal ng Department of Health (DOH) at nagpasailalim sa COVID-19 test.

Nagtungo sa London ang alkalde para talakayin sa mga opisyal doon ang usapin hinggil sa crime prevention.

Tinalakay din niya sa mga opisyal ng pamahalaan ng UK ang usapin sa kalusugan partikular ang pagpapatupad ng preventive measures laban sa COVID-19.

Read more...