Magnitude 3.4 at 3.3 na pagyanig naitala sa Davao Occidental
Dalawang beses niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Unang naitala ang magnitude 3.3 na pagyanig.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 114 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, ala-1:00 umaga ng Huwebes (March 12) at may lalim na 1 kilometer.
Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.4 na pagyanig sa 136 kilometers Southeast ng Sarangani, alas-3:42 ng umaga at may lalim na 114 kilometers.
Tectonic ang origin ng dalawang pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, inetnsities at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.