Malacañang reporters, PCOO personnel pinayuhang mag-self quarantine

By Dona Dominguez-Cargullo March 12, 2020 - 05:42 AM

Inirekomenda ni Presidential Communications Operations Office Sec. Martin Andanar ang mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC) na sumailalim sa self-quarantine.

Partikular na pinasasailalim sa self-quarantine ang mga dumalo sa nagdaang economic press briefing kung saan ang mga opisyal ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang resource persons.

Ayon kay Andanar, bago ang briefing, ang mga dumalong DoF officials ay nagkaroon ng contact kay Finance Secretary Carlos Dominguez na ngayon ay naka self-quarantine matapos magkaroon ng exposure sa isang pasyenteng kumpirmadong may COVID-19.

Iniutos n ani Andanar ang pagsasagawa ng sanitation at disinfection sa Malacañang Press Briefing Room, Press Working Area, at iba pang bahagi ng New Executive Building (NEB).

Ayon kay Andanar maging ang mga tauhan ng PCOO ay pinapayuhan din na boluntaryo nang mag self-isolation at magpatingin kung makararanas ng sintomas.

 

 

TAGS: BIR, coronavirus disease, COVID-19, department of health, DOF, Health, Inquirer News, neb, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, self quarantine, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, BIR, coronavirus disease, COVID-19, department of health, DOF, Health, Inquirer News, neb, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, self quarantine, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.