2 bayan sa Quezon niyanig ng magnitude 5 at 5.2 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo February 05, 2016 - 02:03 PM

Feb 5 quezon quakeMagkasunod na tumama ang dalawang malakas na lindol sa bayan ng Buenavista at Lopez sa lalawigan ng Quezon ngayong araw ng Biyernes.

Unang iniulat ng Phivolcs ang pagyanig sa bayan ng Buenavista kaninang alas 6:41 ng umaga na unang itinala sa magnitude 4.7 na kalaunan ay itinaas sa magnitude 4.9 at ngayong tanghali ay muling nag-isyu ng updated information ang Phivolcs at itinaas sa magnitude 5 ang lakas ng lindol.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at 11 kilometers ang lalim nito.

Sa panibagong impormasyon na inilabas ng Phivolcs, nadagdagan din ang mga bayan na nakaramdam ng pagyanig.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang intensity 5 sa mga bayan ng Buenavista, General Luna at Mulanay.

Intensity 4 namanm ang naitala sa Guinayangan, Catanauan, Gumaca at Pitogo.

Intensity 3 sa Lopez, Calauag, Unisan, at Atimonan habang Intensity 1 naman sa bayan ng Rosario.

Samantala, ala 1:00 ng hapon, naitala naman ng Phivolcs ang magnitude 5.2 na lindol sa bayan ng Lopez sa Quezon.

Ang epicenter ng lindol ay nairekord sa bahagi ng 12 kilometers east ng bayan ng Lopez. Tectonic ang origin ng lindol na may lalim lamang na 5 kilometers.

Naitala naman ang Intensity 5 sa Guinayangan, Intensity 4 sa Lopez, Pitogo, at Gumaca, Intensity 3 sa Mulanay at Intensity 1 sa Rosario.

Bago ang dalawang pagyanig, nakapagtala na ang Phivolcs ng magkakasunod na mahinang lindol sa Catanauan, Lopes at Buenavista simula alas 2:43 ng madaling araw ng Biyernes.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, ang Quezon ay dinadaanan ng Philippine fault.

Noong 1973 aniya ay nakapagtala na ng malakas na magnitude 7 na lindol sa Calauag, Quezon.

TAGS: magnitude 5 and 5.2 quakes hit two quezon towns, magnitude 5 and 5.2 quakes hit two quezon towns

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.