6 na Pinoy na sakay ng MV Grand Princess sa California positibo sa COVID-19

Mayroong anim na Pinoy mula sa MV Grand Princess ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH) pawang ginagamot pa ngayon ang anim na Pinoy.

Sa kabuuan umabot na sa 96 na Pinoy na nasa iba’t ibang mga bansa ang nagpositibo sa COVID-19.

Kabilang dito ang 80 mula sa MV Diamond Princess kung saan 62 na ang naka-recover ad na-discharge sa ospital. Ang 18 pa ay nasa ospital pa sa Japan at nagpapagaling.

Mayroon ding mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong, UAE at Singapore.

Read more...