Pangulong Duterte sasailalim sa COVID-19 test

Photo grab from PCOO Facebook video
Susuriin sa COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duterte

Ayon kay Senator Bong Go kapwa sila sasailalim sa testing ng pangulo para sa COVID-19.

Pareho umano silang walang sintomas ng flu sa ngayon pero para matiyak na ligtas at maayos ang kondisyong pangkalusugan ng pangulo ay isasagawa ang pagsusuri sa mga susunod na araw o linggo.

Ito ay matapos makumpirma na ilang miyembro ng gabinete ang nalantad sa pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Si Finance Sec. Carlos Dominguez ay nagpasya nang magself quarantine.

Naka self quarantinr na din sina Senators Sherwin Gatchalian at Nancy Binay dahil isa sa mga resource persons nila sa pagdinig noong March 5 ang nagpositibo sa COVID-19.

Read more...