Nagpasya na rin si Senator Nancy Binay na sumailalim sa self-quarantine matapos makumpirma na ang isa sa mga
resource person sa isinagawa nilang pagdinig ni Senator Sherwin Gatchalian noong nakaraang Marso 5 ay nagpositibo
sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa inilabas na pahayag ni Binay, sinabi nito na nagbilin na rin siya sa kanyang mga staff na mag-self quarantine at
limitahan ang paglapit sa ibang tao.
Diin nito, ngayong halos 50 na ang positibo sa nakakamatay sa sakit sa bansa, patunay lang ito aniya na totoo ang banta
ng COVID-19.
Kayat panawagan niya sa lahat ng mga nakasalamuha niya na sundin ang kanyang gagawin at panatilihing malinis ang
katawan.
Bago ito, unang inanunsiyo ni Gatchalian ang kanyang pag-self quarantine dahil nakaharap niya ang sinasabing
COVID-19 carrier sa naturang pagdinig.
Paglilinaw nito, wala naman siyang nararamdaman na sintomas at pakiramdam niya ay wala siyang sakit ngunit
kailangan niyang sumunod sa protocols.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.