Lalaki, tinaga ang 2 kapwa pasahero ng bus sa QC

By Jan Escosio February 05, 2016 - 01:15 PM

crime-scene-300x200Sugatan ang dalawang pasahero ng isang bus matapos bigla na lamang silang tagain ng kapwa pasahero bahagi ng EDSA-Cubao kaninang umaga.

Ang suspek na nakilalang si Vincent Costolano na taga Ligao, Albay ay sakay ng bus na biyaheng Bicol. Pagsapit sa bahagi ng Main Avenue sa southbound ng EDSA, bigla na lang umanong tinaga ni Costolano ang dalawa sa mga pasahero gamit ang itak.

Kritikal ang kondisyon ng biktimang si Jayson Julinas bunsod ng mga tama ng taga sa mukha, ulo at braso. Habang sugatan sa katawan ang biktimang si Francis Jamero.

Ang dalawang biktima ay ginagamot ngayon sa PNP General Hospital sa Camp Crame.

Nanakbo umano ang kunduktor ng bus at humingi ng tulong sa PNP-HPG na siyang umaresto sa suspek.

Nang dalhin sa Camp Crame, sinabi ng suspek na pinagbabalakan siya ng masama ng dalawang biktima kaya inunahan na niya ang mga ito.

Dinala na sa Cubao Police station ang suspek at inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban dito.

TAGS: man stabs fellow passengers inside a bus in QC, man stabs fellow passengers inside a bus in QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.