PAL, may alok na one-time free booking para sa int’l tickets hanggang March 31

May alok ang Philippine Airlines (PAL) na one-time free rebooking para sa international tickets.

Ito ay matapos maapektuhan ang ilang flight bunsod ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon sa PAL, isang beses maaaring makapagpa-rebook nang libre hanggang March 31.

Hindi naman anila sakop nito ang mga pasahero na kumuha ng ticket habang nasa Japan at Korea.

Sa mga nais ma-avail ang libreng booking, maaaring makapag-rebook pitong araw bago ang original flight departure
date.

“Please note that the one-time free rebooking offer is not valid on purely domestic flights (within the Philippines),”
paalala pa ng PAL.

Read more...