BREAKING: Pagkasawi ng isang COVID-19 patient, kinumpirma ng DOH

By Angellic Jordan March 11, 2020 - 10:20 PM

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang kumalat na ulat hinggil sa pagkamatay ng isang pasyente na positibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa Maynila.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na ang nasawing pasyente na may ID PH35 ay na-confine sa Manila Doctors Hospital.

Sa ngayon, kumakalap pa ang DOH ng karagdagang impormasyon hinggil sa nasawing pasyente.

“DOH will provide further details as soon as it is available,” ayon pa sa kagawaran.

Muli namang hinikayat ng DOH ang publiko na kumuha lamang ng mga beripikadong impormasyon galing sa kanilang website at official social media accounts.

TAGS: COVID-19, doh, ID PH35, Manila Doctors Hospital, COVID-19, doh, ID PH35, Manila Doctors Hospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.