Columbio, Sultan Kudarat niyanig ng lindol; Ilang intensities, naramdaman sa mga karatig-bayan
Yumanig ang magnitude 3.2 na lindol sa Columbio, Sultan Kudarat Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 6 kilometers Southeast ng Columbio bandang 7:40 ng gabi.
36 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.
Dahil dito, naitala ang Intensity 3 sa Kidapawan City at Intensity I sa Tupi, South Cotabato.
Instrumental intensities naman ang naramdaman sa mga sumusunod na lugar:
Intensity 3:
– Kidapawan City
Intensity 2:
– Tupi, South Cotabao and Davao City
Intensity 1:
– Koronadal City, South Cotbato
Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.