Magnanakaw sa isang pantalan sa Catanduanes, naaresto ng PCG

Nahuli ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang magnanakaw sa pantalan sa Virac, Catanduanes.

Naaresto ng mga tauhan ng PCG Sub-Station sa Virac at PCG K9 sa Catanduanes ang suspek na si Erwin Ralla, 33-anyos, matapos magnakaw ng P2.2 milyong halaga ng pera sa Virac Port Terminal, araw ng Martes.

Dinala ang narekober na pera sa Municipal Police Station sa bayan ng San Miguel para sa proper disposition.

Inasiste naman ng PCG ang Municipal Police Station (MPS) sa Virac sa pag-recover ng ninakaw sa pera sa pamamagitan ng pinaigting na passenger and baggage inspection.

Read more...