DFA, nag-abiso sa mga Pinoy ukol sa travel guidelines sa Israel bunsod ng COVID-19

By Angellic Jordan March 11, 2020 - 07:22 PM

Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino hinggil sa ipinatupad na travel guidelines ng Israeli government.

Ito ay bunsod pa rin ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Narito ang ilang panuntunan ng Israel:
– Simula March 12, lahat ng dayuhang papasok sa Israel ay kinakailangang sumailalim sa 14 araw na home quarantine.

– Sinumang nakasailalim sa home quarantine ay kailangang magtuloy ng quarantine hanggang 14 na araw kasunod ng pagbabalik sa Israel.

– Sinumang bumalik sa Israel mula aboard sa nakalipas na 14 araw ay hindi required na mag-home quarantine, ngunit inabisuhan ang mga ito na makipag-ugnayan sa national medical emergency services ng Israel na Magen David Adom (MDA) at sumailalim sa immediate home quarantine kung makaramdam ng sintomas ng sakit.

– Panatilihin ang good hygiene practices, umiwas sa matataong lugar at i-document ang lahat ng biyahe sa loob ng Israel.

“Furthermore, the Israeli government reminds tourists that they will be unable to exit to neighboring countries and then return to Israel,” dagdag pa ng DFA.

Sa mga Filipino na mayroong katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Israel sa numerong (+972-3) 6010-500 at (+972-54) 4661-188.

“The DFA advises Filipinos to defer non-essential travel to Israel (e.g. tourism) while the said guidelines are in effect to avoid any possible inconvenience,” ayon pa sa DFA.

TAGS: COVID-19 outbreak, DFA, travel guidelines sa Israel, COVID-19 outbreak, DFA, travel guidelines sa Israel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.