Tail-end of a cold front, magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon
Umiiral pa rin ang tail-end of a cold front sa ilang bahagi ng Luzon.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas na magdudulot ito ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa eastern side ng Central at Southern Luzon.
Partikular na apektado nito ang lalawigan ng Aurora, Quezon, Rizal at Laguna sa susunod na 24 oras.
Samantala, nakakaapekto ang Northeast Monsoon o hanging Amihan sa Hilagang bahagi ng Luzon.
Dahil dito, makararanas naman ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Isabela, Kalinga, Apayao, Mountain province at Ifugao.
Easterlies naman ang umiiral sa malaking bahagi ng bansa.
Posible aniyang maranasan ang epekto nito hanggang sa Biyernes.
Wala naman aniyang inaasahang mabubuo o papasok na anumang sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of
Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.