Pagbabayad ng income tax return, idadaan na sa online para makaiwas sa COVID-19
May ginagawa nang hakbang ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para makaiwas ang mga tax payer sa Coronavirus Disease o COVID-19.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni BIR Collection Service Director Rosario Padilla na maari nang magbayad ng income tax return sa pamamagitan ng online.
Sa ganitong paraan, mapa-practice aniya ng taxpayers ang social distancing.
Maari lamang aniyang i-download at fill up-an ang eBIR forms application sa pamamagitan ng www.bir.gov.ph.
Maari aniyang bayaran ang ITR sa pamamagitan ng bangko, PayMaya o G-Cash.
Hindi na aniya palalawigin ng BIR ang pagbabayad sa income tax return at hanggang sa April 15.
Gayunman, sinabi ni Padilla na bukas pa rin naman ang mga tanggapan ng BIR para sa pagbabayad ng buwis.
Hinimok pa ni Padilla ang taxpayers na magbayad na nang maaga para makaiwas sa mahabang pila at last minute filing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.