Panukalang pagbuo sa Department of OFW, pasado na sa Kamara

By Erwin Aguilon March 11, 2020 - 05:39 PM

INQUIRER file photo

Bubuwagin ang Philippine Overseas Employement Administration o POEA oras na maging batas ang panukalang pagbuo sa Department of Filipino Overseas and Foreign Employment o DFOFE.

Sa botong 173 na YES at 11 na NO, pumasa sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 5832 na naglalayong magtatag ng ahensya na tutugon sa lahat ng problema at pangangailangan ng mga OFW at kanilang pamilya.

Sa oras na maging batas, magiging sakop ng kagawaran ang mga OFW na nasa abroad, OFW na nakabalik na sa Pilipinas, pamilya ng mga OFW at lahat ng Filipinong nasa iba’t ibang bansa.

Ang POEA ang magiging central body ng departamento bilang ito ang mayroon nang expertise at mga tao habang magiging attached agencies naman ang Commission on Filipino Overseas at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Kabilang sa attached agencies ay ang Office of Migrant Workers Affairs, Commission on Filipino Overseas, Philippine Labor Offices, International Affairs Bureau, POEA at OWWA.

Tinatayang P5 bilyon ang kakailanganing pondo para sa bagong departamento na huhugutin naman mula sa kasalukuyang budget ng mga ahensya na mapapasailalim sa DFOFE.

TAGS: 18th congress, DFOFE, House Bill 5832, POEA, 18th congress, DFOFE, House Bill 5832, POEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.