Policewoman, sinabing ‘overkill’ ang pagpatay ng mga kapwa niya pulis sa karelasyon niyang tomboy

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Visayas February 05, 2016 - 11:48 AM

Photo by Leo Udtohan, Inquirer Visayas
Photo by Leo Udtohan, Inquirer Visayas

“Overkill” umano ang ginawa ng mga pulis sa isang miyembro ng third sex na nag-amok at nakapatay ng dalawang katao matapos na hindi matagpuan ang kinakasama niyang policewoman sa bahay ng pamilya nito sa Calape, Bohol.

Emosyonal si PO1 Rosalie Cuario nang dumalaw sa burol ng kaniyang partner na si Maricel Ramos at sinabing “overkill” ang ginawa ng mga kabaro niyang pulis kahit pa mismong ang ina at kapatid ni Rosalie ang napatay ni Ramos.

Si Ramos ay binaril at napatay ng mga rumesponding pulis matapos mag-amok at pagbabarilin hanggang sa mapatay ang ina ni Cuario na si Rosita, 72-anyos at kapatid na si Joel, 48-anyos.

Sa halip na magalit sa kinakasama dahil sa pagpatay nito sa kaniyang ina at kapatid, kinondena ni PO1 Cuario ang mga kapwa niya pulis dahil sa aniya ay “excessive use of force” nang barilin si Ramos.

Sinabi ni Cuario na sumusuko na si Ramos at itinaas na ang kaniyang kamay pero binaril pa rin ito ng mga otoridad ng dalawang beses sa ulo.

Nagtataka si Cuario kung bakit hindi na lamang sa hita binaril si Ramos dahil hindi naman na ito nagtangka na lumaban sa mga otoridad.

Pero ayon kay Inspector Cresente Gurrea, chief of police ng Calape police station, hindi totoong sumusuko si Ramos.

Katunayan pinaputukan pa umano ni Ramos ang pulis na lalapit sana sa kaniya.

Ayon kay Gurrea, tinangka naman talaga nilang makipagnegosasyon kay Ramos pero hindi ito sumuko at sa halip ay nagpaputok pa.

Noong Martes, nagtungo si Ramos sa bahay ng pamilya Cuario dahil hinahanap niya ang kinakasama niyang pulis.

Pero nang hindi niya datnan sa bahay sa Barangay Ulbujan si PO1 Cuario ay nagwala na ito at binaril ang mag-inang Joel at Rosita.

TAGS: Policewoman accuses cops of ‘overkilling’ her female lover in Bohol, Policewoman accuses cops of ‘overkilling’ her female lover in Bohol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.