Pagkakaroon ng dedicated hospital para sa COVID-19 patient, iminungkahi ni Rep. Garin
Hinikayat ni Senior Deputy Minority Leader Janet Garin ang Department of Health (DOH) na magtalaga ng dedicated hospital para sa mga pasyenteng postibong sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Ayon kay Garin na dating Health secretary, maari itong gawin sa kada rehiyon ng bansa.
Tulad anya sa Metro Manila, maaring gawing dedicated hospital ang Lung Center of the Philippines.
Ilipat na lamang anya sa mga kalapit nitong pagamutan ang mga pasyente nito.
Mas makabubuti anya ito para sa pasyenteng positibo sa COVID-19 at iba pang pasyente dahil sa maiiwasang makakuha ng iba pang sakit ang mga COVID-19 patient gayundin naman at maiiwasang mahawa ang mga pasyenteng wala namang ganito.
Mas mabuti rin anya ito dahil hindi magiging carrier ng sakit ang health workers patungo sa iba pang mga pasyente.
Bukod pa sa makatitipid din ang gobyerno dahil ang medical supplies na gagamitin ng health workers dahil isa lang ang gagamitin ng mga doktor o mga nars na gamit para sa lahat nang pasyente.
Samantala, himimok ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang DOH na magtalaga na rin ng mga private hospital para sa COVID-19 patients.
Sinabi ni Quimbo na sa public sector ay mayroon lamang 297 isolation rooms at 48 negative pressure rooms.
Sa kabuuan aniya ay 345 lamang ang maximum capacity ng pamahalaan para sa testing at managing ng mga pasyenteng magkakasakit ng COVID-19.
Kulang na kulang anya ito kaya kailangan na ang saklolo ng private hospital.
Sabi ni Quimbo, mayroon ng health emergency kaya kailangan nang magtulungan ang private at public sector.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.