DPWH may road reblocking sa EDSA at C5 ngayong weekend
Inabisuhan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang publiko hinggil sa isasagawang road reblocking sa bahagi ng EDSA at C5 mula mamayang gabi hanggang sa Martes ng umaga.
Ayon sa DPWH, apektado ng road reblocking ang EDSA southbound sa pagitan ng Aurora Blvd. at Arayat St. service road, 2nd lane mula sa sidewalk.
Ang mga apektadong motorista ay maaring dumaan sa Cubao Underpass.
Samantala sa C5, apektado ng road reblocking ang C. P. Garcia Street sa pagitan ng Ma. Regidor at F. Florentino, 2nd Lane mula sa sidewalk.
Maaring gamitin bilang alternate routes ang Magiting St.; Maginhawa St. at R. Magsaysay St. sa UP.
Sisimula ang repair sa nasabing mga lansangan mula alas 10:00 ng gabi mamaya, hanggang alas 5:00 ng umaga sa Martes, February 9./Erwin Aguilon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.