Apela ng Palasyo sa publiko: Mga may sintomas lang ng COVID-19 ang dapat magtungo sa ospital
Umapela ang Palasyo ng Malakanyang sa publiko na tanging ang mga may sintomas lamang ng Coronavirus Disease o COVID-19 ang dapat na magtungo sa ospital at magpasuri.
Pahayag ito ng Palasyo matapos ma-monitor na nakararanas na ang ilang ospital ng overcrowded na mga pasyente.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, bagamat hinihimok ng Palasyo ang publiko na magpasuri sa doktor kapag mayroong sintomas ng virus, binibigyang diin ng Department of Health (DOH) na dapat ang mga nagkaroon ng close contact sa mga pasyente na bumiyahe sa mga bansang may COVID-19 sa nakalipas na 14 na araw o hindi kaya ang mga taong nagkaroon ng exposure sa mga nag positibo sa COVID-19.
Sa ngayon, mahigpit na aniyang binabantayan ng Malakanyang ang sitwasyon sa mga ospital.
“While we encourage everyone to consult or see a healthcare provider in case they experience any symptom of the virus, mild or otherwise, we wish to reiterate what our health officials have been saying to the public: Those considered close contacts with symptoms of COVID-19 should be prioritized in obtaining medical attention and management. Close contacts include persons with a travel history in the last 14 days to countries with local transmission or those who have a history of exposure to patients who tested positive for COVID-19, i.e., those who provided direct care for a COVID-19 patient or those working together, staying in the same close environment, traveling together, or living in the same household with a COVID-19 patient within the 14-day incubation period,” pahayag ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.