Pari, lay ministers pinagsusuot ng face masks kapag magbibigay ng komunyon

Nagpalabas ng bagong alituntun ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na susundin sa mga simbahan para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Kasama sa inilatag na walong guidelines ng CBCP ang mga pag-iingat na dapat gawin sa loob ng simbahan lalo na habang ginaganap ang misa.

Sa nilagdaan circular ni CBCP President Archbishop Romulo Valles, inirekomenda ang patuloy na pagpapatupad ng pagtanggap ng komunyon sa pamamagitan lamang ng kamay.

Ang mga communion ministers kabilang ang mga pari at lay ministers ay dapat magsuot ng masks kapag magbibigay ng komunyon.

Bago at pagkatapos ng pagbibigay ng komunyon sila ay dapat nag-sanitize ng kamay.

Kasama rin sa utos ang pagsuspinde na sa malakihang pagtitipon base na rin sa direktiba ng Department of Health (DOH).

Read more...