Panukalang amyenda sa road user’s tax pasado na sa Kamara

By Erwin Aguilon March 11, 2020 - 11:22 AM

Inaasahang kikita ng nasa P210B ang pamahalaan kapag naging batas ang panukalang amyenda sa Motor Vehicle Road Users’ Tax o mas kilala sa road user’s tax.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, ang nasabing halaga ay malilikom ng gobyerno sa unang limang taon ng pagpapatupad ng batas.

Sa botong 239 na YES, 5 na NO at 1 na ABSTAIN lumusot ang House Bill 6136 sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara.

Mapupunta ang malaking bahagi ng kikitain sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.

Iguniit ni Salceda na hindi anti poor ang panukala dahil progressive ang pagpapatupad nito kung saan ang mga mayayaman ang direktang tatamaan at mahihirap ang makikinabang.

Sa ilalim ng panukala ang road user’s tax sa mga sasakyan ay magiging P2,080 sa 2020; P2,560 sa 2021 at P3,040 sa 2022 para sa passenger cars na mayroong gross vehicle weight (GVW) na hanggang 1,600 kilograms (kg).

kapag ang GVW ay mas mataas sa 2,300 kg ito ay magiging P10,400 sa 2020, P12,800 sa 2021 at P15,200 sa 2022.

Para naman sa mga passenger cars na may GVW na mas mataas sa 1,600 kg pero hindi lalagpas 2,300 kg ay kailangang magbayad ng ng buwis na P4,680 sa 2020; P5,760 sa 2021 at P6,840 sa 2022 habang kapag ang GVW ay mas mataas sa 2,300 kg ito ay magiging P10,400 sa 2020, P12,800 sa 2021 at P15,200 sa 2022.

Sa taong 2020 magbabayag ng P1.40 unitary tax per kilogram ng GVW ang mga utility vehicles, sports utility vehicles, buses, trucks at trailers; 2.50 per kilogram ng GVW sa 2021 at 3.40 per kilogram ng GVW sa 2022.

Mula naman sa January 2023 ang road user’s tax ay tataas ng limang porsyento bawat taon.

Sabi pa ng mambabatas, ang kasalukuyang the MVUC rates ay hindi tumaas simula noong 2004.

TAGS: House Bill 6136, Inquirer News, Motor Vehicle Road Users’ Tax, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, road user's tax, Tagalog breaking news, tagalog news website, House Bill 6136, Inquirer News, Motor Vehicle Road Users’ Tax, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, road user's tax, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.