Rep. Rida Robes ipinanukalang tapusin na ng maaga ang kasalukuyang school year dahil sa COVID-19 scare

By Ricky Brozas March 11, 2020 - 10:01 AM

Iminungkahi ni San Jose Del Monte City Rep. Rida Robes ang maagang pagsasara ng klase ngayong taon dahil na rin sa banta ng COVID-19.

Ang SJDM sa Bulacan ang isa sa mga lugar sa bansa na mayroon nang kaso ng COVID-19.

Sa kaniyang pahayag, hinimok ni Rep. Robes ang Department of Education (DepEd) na ipasara na pansamantala ang mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong bansa.

Sa kanilang distrito ay maraming magulang ang nagpapahayag ng pagkabahala at nag-aalala na pabalikin pa ng paaralan ang mga bata.

Sinabi ni Robes na dahil huling linggo na lamang at patapos na rin ang kasalukuyang school year mas mabuting tapusin na ito ng mas maaga.

“Yaman din lamang na ang mga paaralan ay nasa huling linggo na ng kasalukuyang school year, maaari utusan ng DepEd ang mga school administrators na ipasa na ang lahat ng estudyante dahil ito ang hinihingi ng sitwasyon at para sa humanitarian consideration,” ani Robres.

Maari aniyang gawing batayan na lamang para sa grado ngayong 4th quarter ang mga quizzes at homework.

Sa huling dalawang linggo kasi ng school year ay final exams na ng mga estudyante, subalit naantala ito dahil sa deklarasyon ng suspensyon ng klase.

Sinubukan na rin ng kongresista na tumawag sa DepEd para humiling ng guidance hinggil dito.

“Hindi ito para i-pressure ang DepEd kundi ito ay para masiguro ang kaligtasan at proteksyon ng ating mga anak na mas posibleng mahawa sa virus kung sila ay nasa eskwelahan,” dagdag ni Congw. Robes.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, deped, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, School Year 2019-2020, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, deped, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, School Year 2019-2020, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.