Resulta sa COVID-19 test dalawang oras lang gamit ang test kit na ginawa ng UP

Kayang mailabas ng resulta ng pagsusuri sa COVID-19 sa loob lang ng dalawang oras gamit ang test kits na nilikha ng mga scientist mula sa University of the Philippines (UP).

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, ang kasalukuyang ginagamit sa bansa na testing kit ay mula sa Japan kung saan umaabot sa 24 na oras bago mailabas ang resulta.

Pero sa testing kits na likha ng local scientists mula sa UP National Institutes of Health ay kayang lumabas ng resulta sa loob lang ng dalawang oras.

Aprubado na ng FDA ang naturang test kits at magagamit na ito para sa mas mabilis na pagsusuri sa mga pasyente na may sintomas ng COVID-19.

Read more...