Lungsod ng San Juan, nakapagtala na ng pitong kaso ng COVID-19

By Ricky Brozas March 11, 2020 - 10:08 AM

Mayroon nang pitong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng San Juan.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na ang dalawang bagong kaso ay dagdag sa limang kaso na nai-report ng Department of Health (DOH) kahapon.

Ang isang kaso ay lalake na edad 64, residente ng Barangay Greenhills at isang 28-anyos na babae na residente ng Barangay Maytunas, ang dalawa ay positibo sa COVID-19 at pareho na silang nasa stable condition sa isang pribadong ospital sa Pasig.

Kaugnay nito, tinitiyak ng alkalde ang buong kooperasyon sa DOH lalo na sa contact tracing at case investigation.

Tinitiyak din ng alkalde ang ayuda sa barangay leaders sa pagtugon sa COVID-19.

Nasimulan na rin ng alkalde ang sanitation and disinfection program gaya ng pagsasagawa ng Canon and Turbo misting sa San Juan National High School at mga kalye sa Barangay West Crame.

 

 

TAGS: coronavirus disease, covid cases, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, san Juan, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, covid cases, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, san Juan, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.