Dahil walang maani bunsod ng El Niño, magsasaka sa Maguindanao, nagbigti

By Dona Dominguez-Cargullo February 05, 2016 - 10:39 AM

el-ninoDahil sa labis na depresyon, nagpasya ang isang magsasaka sa South Upi, Maguindanao na tapusin ang sariling buhay.

Labis umanong ikinalungkot ng 37-anyos na magsasaka ang kawalan niya ng ani dahil sa matinding epekto ng El Niño sa lalawigan.

Kinilala ni South Upi Chief of Police, Chief Insp. Roel Villarin ang biktima na si Jimmy Tamberya na nagbigti sa loob ng kaniyang bahay sa Barangay Kigan sa South Upi.

Sinabi ni Villarin na ayon sa pahayag ng mga kaanak, isang linggo nang hindi kumakain si Tamberya bago ito matagpuang patay sa kanilang bahay.

Ang South Upi ay isa lamang sa 18 bayan sa Maguindanao na apektado ng matinding tagtuyot.

Sinimulan na ng Provincial Government ng Maguindanao, ang pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka sa lalawigan na apektado ng El Niño.

Ayon kay Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu, nagpadala na sila ng mga bigas, canned goods, noodles, kape, asukal at iba pa sa mga apektadong lugar.

TAGS: farmer hangs self due to depression, farmer hangs self due to depression

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.