Global death toll sa COVID-19 umakyat na sa 4,295

By Dona Dominguez-Cargullo March 11, 2020 - 09:04 AM

Umakyat na sa 4,295 ang bilang ng naitalang nasawi dahil sa COVID-19 sa iba’t ibang mga bansa at teritoryo na apektado nito.

Sa nasabing bilang, 3,158 ang naitalang nasawi sa China matapos na makapagtala ng 22 panibagong bilang ng nasawi sa magdamag.

Sa magdamag nadagdagan din ang bilang ng mga nasawi sa iba pang mga apektadong bansa at teritoryo.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

China 3,158 (22 new)
Italy = 631 (168 new)
France = 33 (3 new)
Spain = 36 (6 new)
USA = 30 (4 new)
Japan = 10 (1 new)
Switzerland – 3 (1 new)
UK = 6 (1 new)
Diamond Princess – 7
Iraq – 7
Netherlands – 4
Hong Kong – 3
Australia – 3
Germany – 2
San Marino – 2
Lebanon – 1 new
Morocco – 1 new
Egypt – 1
Thailand – 1
Taiwan – 1
Argentina – 1
Canada – 1
Philippines – 1

Sa China, 22 panibagong kaso lang ng COVID-19 ang naitala sa magdamag dahilan para umabot na sa 80,776 ang COVID-19 cases sa bansa.

Sa Italya, nakapagtala ng 977 na bagong kaso sa magdamag kaya mayroon na itong 10,149 na kaso.

Ang Iran ay nakapagtala ng 881 na panibagong kaso kaya umabot na sa 8,042 ang COVID-19 cases.

Mayroon namang 7,513 cases ang South Korea at ang France ay may 1,784 cases.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, global death toll, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, global death toll, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.