Operasyon ng mga travel at rent-a-car companies sa ilalim ng circular ng LTFRB, pinaiimbestigahan sa Kamara

By Ricky Brozas March 11, 2020 - 08:58 AM

Hiniling ng National Federation of Tourist Transport Service Cooperatives (NFTTSC) sa Kamara na imbestigahan ang utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pumapayag na makapag-operate ang mga travel at rent-a-car companies nang walang kaukulang regulasyon.

Dumulog sa tanggapan ni COOP-NATCO Partylist Rep. Sabiano Canama ang grupo para hilinging ma-imbestigahan ‘in aid of legislation’ ang anila ay ilegal na operasyon ng mga kumpanyang ito na sakop ng naturang memoranda.

Ayon kay Atty. Cesar Evangelista, ang legal counsel ng grupo, hindi patas para sa hanay ng mga regulated transport service cooperatives ang operasyon ng mga kooperatibang saklaw ng LTFRB circular dahil unang-una, hindi kumpleto ang kanilang license to operate.

Iginiit ni Evangelista na lubhang maaapektuhan ang operasyon ng mga kooperatiba kapag hindi binawi ang kautusan ng LTFRB.

Dagdag pa nila maliban sa tourist transport, nag-ooperate din umano ang mga travel companies na ito bilang shuttle servies ng mga private companies gaya ng POGO o iba pang mga transport services nang hindi gumagamit ng certificate of public convenience para makapag-operate.

Nais ng NFTTSC na imbestigahan ng House Committee on Cooperatives Development ang kanilang reklamo at ipatawag ang lahat ng mga concerned parties.

Bukas naman ang komite ni Canama para mapa-imbestigahan ang usapin.

 

 

TAGS: Inquirer News, ltfrb, National Federation of Tourist Transport Service Cooperatives, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, rent-a-car companies, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, ltfrb, National Federation of Tourist Transport Service Cooperatives, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, rent-a-car companies, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.