2 kaso ng Zika na nailipat dahil sa blood transfusion, naitala sa Brazil

By Dona Dominguez-Cargullo February 05, 2016 - 10:36 AM

Dengue_1Nakapagtala ng dalawang kaso ng Zika virus sa Brazil na naisalin dahil sa blood transfusions.

Ang blood transfusion cases ng Zika sa Campinas City ay iniulat dalawang araw matapos namang kumpirmahin ang unang kaso ng sexually transmitted Zika sa Texas.

Sa ngayon nagdulot na ng outbreak ang Zika sa 26 na bansa sa Amerika.

Ayon kay Dr. Marcelo Addas Carvalho, director ng blood center sa University of Campinas, sa isinagawang genetic testing naukmpirma na isang lalaki na sumailalim sa blood transfusion ang tinamaan ng Zika noong March 2015, pero hidni umano ito nag-develop ng anumang sintomas.

Isa pang lalaki na nabaril ang na-infect din ng Zika matapos sumailalim sa multiple blood transfusions noong April 2015.

Imposible ayon kay Carvalho imposibleng sa lamok nakuha ng dalawang lalaki ang sakit na Zika dahil tatlong buwan silang nasa intensive care unit ng ospital.

Ang ikalawang pasyente ay ay nasawi kalalunan pero hindi dahil sa Zika kundi dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Pero ayon kay Carvalho, ‘very rare’ ang kaso ng Zika na naisasalin dahil sa blood transfusions.

Dahil dito, mas marapat pa rin aniyang sumentro ang mga pamahalaan sa pagpuksa sa mga lamok na maaring makapagdala ng sakit.

 

TAGS: zika virus, zika virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.