Payo ng DTI sa publiko: Huwag mag-panic buying
Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na huwag mag-panic buying sa gitna ng outbreak ng COVID-19.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na hindi kailangang mag-hoard ng mga produkto lalo na ang alcohol at tissue.
Napakarami aniyang supply ng alcohol at tissue sa bansa dahil hindi naman nagkaroon ng production stoppage sa mga ito.
Sapat na ayon kay Lopez na bumili ng stocks ng para sa hanggang isang linggo o pinakamatagal na ang isang buwan.
“Mauubos ang pera ng mamimili pero ang suplay n alcohol hindi. Mamili lang ng kailangan for a week o pinakamatagal na siguro for a month, napakarami nating stocks hindi kailangang mag-panic buying,” ayon kay Lopez.
Samantala, sinabi ni Lopez na pinayuhan na rin nila ang mga supermarket na limitahan ang pag-diplay ng mga produkto para hindi mag-hoard ang mga mamimili.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.