DOH, itinangging may suspected MERS case sa CDO

By Erwin Aguilon February 05, 2016 - 08:23 AM

June 9 MersCOv dot net
Inquirer file Photo

Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) na mayroong pinaghihinalaang kaso ng Middle East Respiratory Corona Virus o MERS-COV na inoobserbahan sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, walang history ng travel sa Gitnang Silangan ang pasyente at hindi rin ito nakisalamuha sa sinumang galing Middle East.

Galing anya sa Singapore ang babae na kasalukuyang ginagamot sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC) na wala namang kaso ng MERS-COV.

Sinabi ni Lee Suy na maaring pulmunya o trangkaso ang sakit ng pasyente na dumating ng bansa noong February 2, 2016.

Nauna nang napaulat na inoobserbahan sa MERS-COV ang pasyente dahil sa pagkakaroon nito ng ubo at lagnat.

Ayon sa pamunuan ng NMMC, inilagay sa isolation room sa 3rd floor ng ospital ang babae bilang precautionary measure.

Binanggit pa ng NMMC na kinuhanan na ng sample ang pasyente at tatagal ng tatlong araw bago lumabas ang resulta nito para matukoy kung positibo o negatibo sa sakit ang babae.

TAGS: no suspected mers case in CDO says DOH, no suspected mers case in CDO says DOH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.