DTI nagpalabas ng prize freeze sa mga pangunahing bilihin

By Dona Dominguez-Cargullo March 11, 2020 - 07:21 AM

Nagpalabas ng prize freeze ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga pangunahing bilhin.

Ito ay kasunod ng inilabas na Proclamation No. 922 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdedeklara ng State of Public Health Emergency sa bansa dahil sa outbreak ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa DTI, sa loob ng 60 araw ay hindi dapat gagalaw ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Simula nang magkaroon ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay madalas nang nakatatanggap ng reklamo ang DTI sa mataas na presyo ng face masks.

Ayon sa DTI ang SRP para sa disposable face mask ay P3 hanggang P12 lamang.

Hinimok ng DTI ang publiko na isumbong sa kanila ang mga nagpapataw ng mataas na presyo sa face mask at iba pang pangunahing bilihin.

TAGS: basic commodities, coronavirus disease, COVID-19, department of health, dti, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, prize freeze, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, basic commodities, coronavirus disease, COVID-19, department of health, dti, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, prize freeze, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.