Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, ginawa ang operasyon sa isang gasoline station sa EDSA sakop ng Barangay Forbes Park.
Nakuha mula sa suspek na Nigerian, 30 anyos; Cameroonian, 40 anyos; at Pinay na 24 anyos ang aabot sa P4 na milyong halaga ng hinihinalang shabu.
Ang nadakip na Nigerian ay dati na ring naaresto sa bansa dahil din sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
Ayon sa PDEA, sa isinagawa nilang imbestigasyon, ang tatlo ay pawang street level pusher sa Pampanga, Bulacan at sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES