Unang opisyal na kampanya ng mga kandidato, aarangkada na
Kasado na ang mga plano sa pangangampanya ng ilang mga partido, lalo pa’t sa February 9 na ang simula ng panahon ng kampanya para sa national positions.
Uunahin ng mga pambato ng Liberal Party na sina dating Interior Sec. Mar Roxas at Rep. Leni Robredo ang Capiz at Iloilo sa mismong unang araw ng campaign period.
Ito ang plano ng LP dahil nais nilang simulan ito sa pinanggalingan ng kanilang presidential candidate sa Roxas City, Capiz.
Ang United Nationalist Alliance (UNA) naman sa Mandaluyong City ang simula ng kampanya.
Sa abiso ng UNA, ang tambalan nina VP Jejomar Binay at Senator Gringo Honasan ay unang magsasagawa ng kampanya sa Welfareville sa Mandaluyong City.
Sisimulan naman ng tambalang Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Alan Peter Cayetano ang kanilang kampanya sa Tondo, Maynila sa February 9 din.
Sunod naman Nina Duterte at Cayetano na susuyuin ang mga botante sa Tuguegarao City, Cagayan sa kanilang ikalawang araw ng kampanya.
Hindi naman nalalayo sa gaganapan ng unang kampanya nina Duterte, sa Plaza Miranda naman sa Quiapo, Maynila gaganapin ang kickoff ng kampanya ng tambalang Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero.
Ayon pa sa campaign manager ni Poe na si Rep. Ace Durano, magiging kasabik-sabik at positibo raw ang kanilang unang araw ng kampanya.
Samantala, wala pa namang inanunsyo ang mga kampo nina Sen. Miriam Defensor-Santiago at Sen. Bongbong Marcos, at Rep. Roy Señeres ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka party para sa kanilang kampanya. Señeres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.