Biktima ng human trafficking, nasagip ng BI sa NAIA
Nasagip ng Bureau of Immigration ang isang biktima ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, naharang ng ahensya ang pasahero dahil sa pagkakaroon ng pekeng immigration departure stamps sa NAIA Terminal 1 noong Biyernes, March 6.
Pasakay sana ang hindi pinangalanang pasahero sa Jetstar flight patungong Singapore.
“The supervisor noticed that the stamps on the passenger’s passport and boarding pass were spurious. Upon further
verification, they have discovered that the stamp used was not a registered stamp,” ani Morente.
Sa ikalawang inspeksyon, sinabi naman ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. na inamin ng pasahero na hindi siya sumailalim sa immigration inspection.
Inamin din nito na patungo sana siyang Dubai para sa trabaho at isang nagngangalang “Rency” ang nag-recruit sa kanya.
Ani Manahan, ipinag-utos sa pasahero na makipagkita sa agent sa isang fast food chain sa departure area ng paliparan.
“The agent got a hold of her passport and boarding pass, and gave them back to her with fake stamps,” dagdag pa nito.
Ito aniya ang ginawa ng mga human trafficker kung saan inaayos ang affix fake stamps sa pasaporte ng mga pasahero at boarding passes.
“Since the human traffickers could not provide the passengers with proper documents to work abroad, this is their
cheap attempt to get their victims to evade immigration inspection,” pahayag pa ni Manahan.
Mayroon aniyang forensic document laboratory ang ahensya kung saan madedetermina nila kung peke o hindi ang stamp.
Dinala ang biktima sa Inter-Agency Council Against Trafficking para matulungan sa paghahain ng kasong kriminal laban sa kaniyang recruiter.
Muli namang nagpaalala si Morente sa publiko na maging maingat sa mga illegal recruitment agent.
“I advise our kababayans to exercise vigilance when dealing with agents who say they want to help you work abroad. Please transact only with registered and licensed recruitment agencies,” ani Morente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.