Senate Pres. Sotto handang mawala ang alyansa sa Palasyo

By Jan Escosio March 10, 2020 - 08:08 PM

Iginiit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na palaging mangingibabaw sa kanya ang interes ng mamamayan.

Ito ang isinagot ni Sotto sa mga pangamba na maaring maputol ang pakikipag-alyansa nito sa Malakanyang dahil sa inihaing petisyon sa Korte Suprema para bigyang linaw ang karapatan ng Senado na suriin muna ang mga tratado na nais talikuran ng Palasyo.

Iginiit din ng senador na pangangalagaan niya ang kalayaan ng Senado sa kabila ng banta na mawala sa mga alyansa at suporta at ito aniya ang iiwan niyang tatak sa kanyang pamumuno sa Senado.

Aniya, nais lang nilang panindigan ang ‘sense of the power of the Senate’ na alam nilang taglay ng Senado bilang ‘co equal branch’ ng Ehekutibo at Hudikatura.

Sinabi nito na napakahalaga na nakokonsulta ang Senado sa pagtalikod sa mga kasunduan dahil kailangan ang pagsang-ayon ng mga senador para magkabisa ang anumang pakikipagkasundo sa ibang bansa.

TAGS: Senate, Vicente Sotto III, Senate, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.