Mungkahi ng DILG na pagbawalan na gumala sa malls ang mga estudyante, suportado ng DOJ

By Ricky Brozas March 10, 2020 - 07:40 PM

Walang nakikitang mali ang Department of Justice (DOJ) sa ginagawang hakbang ng Department of Interior and Local Government para pagbawalan ang mga estudyanteng magpagala-gala pa sa mga matataong lugar tulad ng mga mall sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, hangad lamang ng DILG sa pamamagitan ng kumpas sa Philippine National Police (PNP) at ng mga local government units (LGUs) na matiyak ang kaligtasan ng lahat at maiiwas sa nakamamatay na sakit.

Sa ilalim na din aniya ng deklarasyon ng State of Public Health Emergency, may mga kalayaan ang bawat indibidwal na kinakailangang isaalang-alang tulad ng kalayaan sa pagbiyahe o malayang kumilos saanman nila naisin tungo naman sa ikagaganda ng kapakanan ng nakakarami.

Wala aniyang masama kung ipag-uutos man ng DILG sa PNP ang nararapat na hakbang dahil hindi naman aarestuhin ang mga estudyante bagkus ay papakiusapan lang na umuwi na lang kung ang mga ito’y makikitang nasa loob ng mall.

Ito aniya ay para na din sa kanilang kapakanan at maiiwas sa posibleng pagkakahawa ng virus.

TAGS: COVID-19, DILG, DOJ, PNP, Sec. Menardo Guevarra, COVID-19, DILG, DOJ, PNP, Sec. Menardo Guevarra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.