Tail-end of a cold front, nakakaapekto sa extreme Northern Luzon – PAGASA

By Angellic Jordan March 10, 2020 - 06:28 PM

Photo grab from DOST PAGASA website

Umiiral ang tail-end of a cold front sa dulong Hilagang bahagi ng Luzon.

Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren na magdudulot ito ng kaulapan sa extreme Northern Luzon.

Ani Clauren, sa susunod na 24 oras, asahan na bababa ang tail-end of a cold front at posibleng makaapekto sa Cagayan, Isabela at Aurora.

Dahil dito, asahang makakaranas ng mahihina hanggang sa katamtamang pag-ulan.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maaliwalas ang panahon.

Patuloy aniyang makakaranas ng mainit na panahon lalo na sa tanghali at hapon ngunit posible pa rin ang isolated light rains.

Ayon pa kay Clauren, maaaaring umabot sa 35 degrees Celsius ang maximum temperature sa Metro Manila sa Miyerkules, March 11.

Walang inaasahang papasok o mabubuong anumang weather disturbance sa loob ng Philippine Area of Responsibility
(PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

TAGS: Extreme Northern Luzon, Pagasa, tail-end of a cold front, Extreme Northern Luzon, Pagasa, tail-end of a cold front

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.