Pangulong Duterte biyaheng Boracay sa March 12

By Chona Yu March 10, 2020 - 05:47 PM

Tuloy ang pagbiyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Boracay sa Huwebes, March 12.

Ito ay kahit na nasa State of Public Health Emergency ang Pilipinas dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, pangungunahan ni Pangulong Duterte ang pamamahagi sa Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa mga agrarian reform beneficiares sa Barangay Manoc-Manoc sa Malay, Aklan.

Pagkatapos aniya ng CLOA distribution, dadalo naman ang pangulo sa isang pagtitipon sa isang hotel sa Boracay at makikipagpulong sa mga bisita ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Sa pagkakaalam ni Panelo, hindi na mag-iikot ang pangulo sa Boracay pagkatapos ng kanyang mga event.

Una rito, sinabi ni Puyat na bibisita ang pangulo sa Boracay para i-promote ang local tourism at hikayatin ang publiko na bumiyahe sa kabila ng banta ng COVID-19.

TAGS: boracay, COVID-19, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, State of Public Health Emergency, boracay, COVID-19, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, State of Public Health Emergency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.