Quo warranto petition vs ABS-CBN di pa rin inaksyunan ng SC
Wala pa ring aksyon ang Korte Suprema sa quo warranto petition ng Office of Solicitor General o OSG sa ABS-CBN Corp. at ABS-CBN Convergence Inc.
Batay sa mapagkakatiwalaang source, ipinagpaliban ng SC ang pag-aksyon sa petisyon hanggang sa April 14.
Sa Abril, inaasahang mayroong Summer Session ang mga mahistrado na gagawin sa Baguio City at dito isasalang sa deliberasyon ang petisyon ng SolGen laban sa ABS-CBN.
Maaalala na nagnanais ang SolGen na mapawalang-bisa ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation at subsidiary nitong ABS-CBN Convergence Inc. dahil sa ilang mga paglabag at umano’y pag-abuso.
Humihirit din ang Solgen sa SC ng gag order laban sa TV Network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.