Rolando Macasaet, itinalagang GSIS president at general manager
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ni Rolando Macasaet na maging permanenteng president at general manager ng Government Service Insurance System (GSIS).
Ito ang kinumpimra ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Radyo Inquirer.
Naupong officer-in-charge (OIC) si Macasaet sa GSIS matapos mag-resign noon si dating GSIS president Jesus Clint Aranas noong July 2019.
Nagbitiw si Macasaet dahil sa hindi nila pagkakaintindihan ni Pangulong Duterte ukol sa bentahan ng Manila International Port Terminal Incorporated property sa International Container Terminal Services Incorporated na pag-aari ng negosyanteng si Enrique Razon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.