11 pang bagong kaso ng COVID-19, kinumpirma ng DOH; Isang seaman nagpositibo sa virus sa Cavite

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nadagdagan pa ng 11 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Sa kanilang official Facebook page ay sinabi ng DOH na umabot na sa 35 ang kabuuang bilang ng COVID-19.

Kabilang sa bagong naitalang kaso ay ang isang seaman na nagpositibo sa virus.

Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, isang seaman na taga-Imus ang kauna-unahang kaso sa lalawigan.

Kasalukuyan na aniyang naka-confine sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM ang pasyente.

Sinabi ni Remulla na posible na rin i-quarantine ang mga kaanak ng biktima.

Read more...